Nakumpiska ng PDEA na iba’t ibang uri ng illegal drugs, umabot sa higit ₱31-B

Sa patuloy na kampanya ng pamahalaan kontra illegal na droga sa bansa, aabot sa ₱31.98 bilyon na halaga ng iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na gamot ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Batay sa updated report ng PDEA Central Office, ang nasabing halaga ng ilegal na droga ay batay sa kanilang mga isinagawang anti-drug operations na aabot sa 58,496.

Kabilang sa mga nakumpiska mula July 1, 2022 hanggang January 31, 2024 ang shabu, cocaine, ecstasy at marijuana.


Sa nasabing operasyon, nasa 79,841 ang nadakip na drug personalities habang nasa 5,366 ang high-value targets, isang laboratories ang winasak at 856 drug dens ang sinira.

Umaabot naman sa 28,247 barangay ang drug cleared habang nasa 7,264 barangays ang drug affected.

Ang nakumpiskang mga droga ay mula sa National Capital Region at iba pang mga lugar sa bansa.

Facebook Comments