NAKUMPISKA | Tatlong milyong halaga ng iligal na droga, nasabat sa Albay

Albay – Nakumpiska ng mga otoridad sa isang lalaki ang nasa P3 milyong halaga ng shabu sa bayan ng Daraga, Albay.

Sa ulat, nasabat mula sa susek na si Niño Villanueva ang dalawang plastic bag na may lamang ilegal na droga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), si Villanueva ang isa sa mga malaking nagsusuplay ng droga sa probinsiya ng Albay at sinasabing konektado ang operasyon nito sa kaniyang amo na nakakulong sa New Bilibid Prisons.


Hindi naman na nagbigay pa ng ibang detalye ang PDEA kung saan isinasailalim na nila sa imbestigasyon ang suspek para malaman ang ibang kasabwat nito.

Facebook Comments