Nakumpiskang “green book” ni Maasim, Sarangani Mayor Aniceto Lopez Jr. – notebook lang daw ng kanyang anak na grade 8 – Mrs. Lopez

Sarangani – Sampung beses na mali ang report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Hinggil sa umano’y “green book” na nakuha sa bahay ni Maasim, Saranggani Mayor Aniceto “Jojo” Lopez, Jr.

Sa exclusive interview ng RMN kay Mrs. Haydee Lopez, ang umano’y malaking ebidensya ng PDEA laban sa kanyang asawa ay notebook ng kanilang grade 8 na anak.


Hamon ni Mrs. Lopez sa mga otoridad, ipakita ang laman ng green book para lumabas ang katotohanan.

Anya, hindi kilala ng kanilang pamilya ang mga pangalan na umano’y katransaksyon ng kanyang asawa kabilang ang napatay na sina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at Albuera, Leyte Mayor Roland Espinosa Sr. at convicted robbery gang leader Herbert Colangco na nakakulong sa New Bilibid Prison.

Giit ni Mrs. Lopez, wala sa drug watch list ng Pangulong Duterte ang kanyang mister at sa katunayan, kaisa pa ang alkalde sa programa ng pamahalaan kontra droga.

Sa huli, sabi ni Mrs. Lopez, hindi sila natatakot sa anumang mangyayari dahil malinis at walang iligal na gawain ang kanilang pamilya.

Facebook Comments