NAKUMPISKANG MGA MAIINGAY NA TAMBUTSO SA SAN NICOLAS, SINIRA

Mas pinaiigting pa sa bayan ng San Nicolas ang pagpapatupad ng Municipal Ordinance No. 80, s.2019 o ang pagbabawal sa maiingay na muffler o tambutso.

Kasunod nito, isinagawa ang pagsira sa mga nakumpiskang maiingay na tambutso sa pangunguna ng hanay ng kapulisan sa bayan.

Ayon sa himpilan ng pulisya, ito ay tugon sa mga inirereklamong dulot na istorbo ng ingay nito sa mga residente lalo na sa tuwing gabi.

Samantala, nanindigan din ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa striktong pagpapatupad at nararapat umanong pagtalima sa nasabing ordinansa bilang kaisa sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments