Pinaboran ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Brig. General Ronald Lee ang naging desisyon ng korte na isailalim sa civil forfeiture ang perang nakumpiska ng CIDG mula sa dalawang teroristang komunista.
Ang petisyon para sa civil forfeiture ay inihain ng Anti-Money Laundering Council sa korte base sa request ng CIDG.
Ayon kay Lee, nakumpiska ng kanilang mga operatiba ang P557,000 mula kay Mariel Domequil at Frenchie Mae Cumpio, sa pagpapatupad ng search warrant, kasabay ng pagrekober ng mga granada, baril, at improvised explosive devices na nasa posesyon ng dalawa.
Paliwanag ni Lee ang dalawa ay pawang mga finance officer ng Human Rights Group at Gabriela na namamahala ng distribusyon ng pera sa mga mymebro ng CPP-NPA.