NAKUMPISKANG SIRA AT ILEGAL NA KARATULA SA BAYAMBANG, UMABOT SA TATLONG TRUCK

Tatlong truck na puno ng mga sirang karatula at tarpaulin ang nakolekta sa isinagawang clearing operation ng lokal na pamahalaan ng Bayambang sa kahabaan ng Rizal Avenue at sa harap ng lumang Bayambang Central School.

Kabilang sa mga tinanggal ang mga sira at ilegal na signage na nakapaskil sa mga pangunahing kalsada upang malinisan at maging maaliwalas ang mga sidewalk at poste.

Kapansin-pansin na ilan sa mga binaklas na tarpaulin ay mula pa noong nagtapos ang halalan noong Mayo.

Samantala, nakatakda na rin simulan ang paglalagay ng Christmas decoration sa ilang mga punong kahoy na pinutulan ng mga sobrang sanga partikular sa bahagi ng lumang Bayambang Central School.

Layunin ng clearing operation na mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa mga pampublikong lugar at mapaigting ang pagpapairal ng disiplina ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments