Target nang maibenta sa Mayo ang mga nakumpiskang smuggled na asukal.
Sabi ng bagong talagang Acting Administrator at CEO ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na si Pablo Luis Azcona, prayoridad niya na mai-donate ang mga asukal sa Kadiwa store upang maibenta ito nang mura sa publiko.
Aniya, naamyendahan na ng SRA ang memorandum circular para rito.
Sa ngayon, inaayos na lamang nila ang ilang isyu sa logistics gaya ng kung saan ito i-iimbak at kung paano ilalabas sa mga pamilihan.
Nasa 4,000 metric tons ng smuggled refined sugar ang handa nang ibenta sa Kadiwa stores sa halagang ₱70 pero kilo.
Hindi na aniya maibababa pa ang presyo dahil nais din ng SRA na matiyak na hindi ito makakaapekto nang masama sa mga magsasaka.
Facebook Comments