Nakumpletong isolation facilities sa Metro Manila, mahigit 31% na – DPWH

Inihayag ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na nasa 31.49% ang kasalukuyang “utilization rate” o paggamit sa mga nakumpletong isolation facilities sa Metro Manila.

Sa pinakahuling datos mula sa DPWH noong July 5, mula sa 3,680 na bed capacity o nakalaang mga kama ay nasa 1,159 ang occupancy rate o okupado.

Ayon sa DPWH ang mga bakanteng kama naman ay nasa 2,521 pa, kung saan ang bagong datos ay mas mababa kumpara sa naitala noong nakalipas na buwan ng Hunyo.


Paliwanag ng ahensiya ang bilang ay naitala mula sa isolation facilities sa mga lungsod at munisipalidad na sakop ng Metro Manila.

Matatandaan na ang mga isolation facility ay binuo sa pangunguna ng DPWH katuwang ang Department of Health (DOH), iba pang ahensya at mga lokal na pamahalaan sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ang naturang hakbang ay layong mapalakas ang isolation efforts para sa mga tinamaan ng COVID-19 at maiwasan na rin ang hawaan sa komunidad o pagkalat pa ng naturang sakit.

Facebook Comments