NAKUNSENSYA? | Suspek sa panggagahasa sa sariling nobya, nagpakamatay sa loob mismo ng presinto

Zamboanga Del Norte – Patay ang lalaking suspek sa panggagahasa sa kanyang mismong nobya matapos magbaril sa sarili habang nasa presinto sa bayan ng Sindangan, Zamboanga Del Norte.

Nangyari ang insidente ng loob ng opisina ng Women And Children Protection Section ng Sindangan-Municipal Police Station.

Nagsasagawa noon ng interogasyon si PO1 Mitshiela Buot sa suspek sa harap din mimso ng kanyang girlfriend at mga kaanak nito para linawin ang akusasyon sa kanya.


Ilang saglit pa ay nakarinig na sila ng putok ng baril at nang tingnan ay dito na tumambad ang nakahandusay na duguang suspek.

Napag-alaman na kinuha ng suspek ang baril ni PO1 Buot na nakatago sa drawer ng kanyang mesa na ginamit sa pagbaril sa sarili.

Facebook Comments