Mula sa kabuuang 112,572 na target individuals dito sa Lungsod, nasa 624 na lamang ang kinakailangang maturukan ng COVID vaccine mula sa iba’t-ibang barangay dito sa Lungsod. Sa hanay naman ng mga edad lima hanggang labing isang taong gulang, mayroon pang 1,234 na remaining unvaccinated mula sa target na 19,215 na mga bata.
Tumaas naman sa 20.44% mula sa dating 15% nitong buwan ng Hulyo ang naturukan ng 1st booster dose habang nasa 1.74% o katumbas ng 1,954 na katao naman ang nabigyan ng 2nd booster shot.
Sa pinakahuling datos ng Cauayan City Health Office 1, nasa 92.20% na ang fully vaccinated habang nasa 100.55% naman ang nabigyan pa lang ng 1st o Primary dose.
Kaugnay nito, sinabi ni Nurse 1 Vianney Uy ng CHO 1 na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang ginagawang COVID vaccination sa bawat barangay at paghikayat sa mga hindi pa nababakunahan para makamit ang target population dito sa Siyudad ng Cauayan.