NALALAGASAN | 3 regular na miyembro ng NPA, nababawas sa grupo araw-araw – AFP

Manila, Philippines – Tatlong regular na miyembro ng New People’s Army ang nababawas kada-araw sa grupo.

Ito ang kinumpirma ni AFP Eastern Mindanao Command Commander Lt. General Benjamin Madrigal Jr.

Aniya araw-araw may dalawang regular na miyembro ang sumusuko habang isa ay naaaresto sa mga ginagawa nilang combat operations.


Kada araw rin tatlong armas ng NPA ang nakaka-rekober ng militar.

Sa panig naman ng NPA supporters, lima ang sumusuko sa militar kada araw.

Sinabi naman ni Madrigal na ang dahilan ng pagdami ng mga sumusukong NPA ay dahil sa nakikita ng mga NPA na seryoso ang pamahalaan sa kanilang pangakong mabigyan ng panibagong buhay ang mga susukong rebelde.

At dahil aniya sa pagdami ng mga sumusuko simula nitong January 1 hanggang ngayong araw ay wala silang na-momonitor na Major Terroristic Activity na gawa ng NPA.

Facebook Comments