Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Dagupan para sa nalalapit na world renowned Bangus Festival na magbabalik sa Abril ngayong taon.
Alinsunod dito ang pagpupulong ng alkalde sa mga barangay councils, ilan pang kawani ng gobyerno at City Tourism Office upang talakayin ang paghahandang magaganap at kakailanganin sa nasabing pagdiriwang.
Ayon pa sa alkalde, isang event management team mula sa Cebu ang nakatakdang bumisita sa syudad ng Dagupan upang makita at tumulong sa conceptualization at organization ng gaganaping Festival.
Samantala, ang highlights naman na mga banda at ang ‘Kalutan ed Dalan’ ay higit ding pinagtutuunan ng pansin ng mga katuwang na ahensya dahil tiyak na aabangan ito ng mga Dagupeños, turista at mga bibisita sa Bangus Festival. |ifmnews
Facebook Comments