Itinanggi ng Department of Health (DOH) na malapit nang mag-expire ang biniling RT-PCR test kits ng gobyerno.
Kasunod ito ng sinabi ni Senator Francis Pangilinan kung saan lumalabas na ang mga biniling test kits ay may anim na buwan lang na shelf life, sa kabila ng required specification para sa stock life na dapat ay 24 hanggang 36 na buwan mula sa petsa ng delivery.
Ayon sa DOH, hindi nila pinapabayaan ang anim na buwang shelf life ng RT-PCR test kits na binili sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Habang pagtitiyak pa ng kagawaran, mabilis na maubos ang kanilang stocks dahil sa pandemya, at ito rin ang ginamit ng mga COVID-19 laboratories.
Facebook Comments