Tinututukan ngayon ang paghahandang isinasagawa ng Schools Division Office San Carlos City para sa nalalapit na 2023 Region 1 Athletics Association Meet o R1AA, isang programa ng Department of Education o DepEd na nakatakda para sa mga atleta o mga manlalaro na magmumula sa iba’t-ibang Schools Division Office sa buong Region 1 na may layong maipamalas ang galing sa mga laro at mabigyan ng pagkikilala ang mga kalahok na silang kumakatawan sa hanay ng pampalakasan ng kanilang mga paaralan.
Kaugnay nito ang naganap na Media Presscon para sa ilang updates at usad ng preparasyong kanilang ginagawa katuwang ang lokal na pamahalaan ng San Carlos City at iba pang katulong na ahensya.
Tila magical ang pagkakalarawan ni Dr. Sheila Marie Primicias, ang Schools Division Superintendent na siya ring nangunguna sa nasabing sports event dahil sa mga aktibidad na ihahanda alinsunod sa R1AA at tiniyak na mag-eenjoy ang mga atletang lalahok.
Binigyang diin din nito na ang R1AA Meet ay para sa mga bata. Layon nitong mabigyan ang mga atletang lalahok mula sa buong Rehiyon Uno ng isang kalugod-lugod na karanasan para sa mga ito na hindi lamang sila makikipagtagisan ng galing sa laro o makikipagkompetensiya, gayundin ang maramdaman na ang sports event na ito ay nakalaan para sa kanilang kasiyahan.
Samantala, nasa higit pitong libo o 7thousand ang inaasahang mga atleta na magmumula sa mga Schools Division Office sa Region Uno.
Kaaabang abang ang mga aktibidad na inihanda ng SDO San Carlos para sa mga R1AA participants at ang mantrang pinagsisigawan ay ONE SPIRIT, ONE TEAM, UNITED WE WIN, HATAW, REHIYON UNO! |ifmnews