NALAPNOS ANG BALAT | Pinay na minaltrato sa Riyadh, makakauwi na ng bansa

Manila, Philippines – Inaasahang makakauwi na ng bansa ang Pinay OFW sa Riyadh na si Pahima Alagasi, ang OFW na binuhusan ng amo ng kumukulong tubig.

Si Alagasi ay nagdusa sa matinding sunog sa katawan na umabot pa sa second degree burn.

Ayon kay ACTS OFW PL Rep. John Bertiz, posibleng makauwi na sa loob ng dalawang linggo si Alagasi.


Sinabi ni Bertiz na naresolba na ang kasong slander na inihain ng amo nito laban kay Alagasi sa pamamagitan ng tulong ni Saudi Prince at Interior Minister Abdullah Bin Saud Bin Naif.

Sinabi pa ni Bertiz na apat na taong napipigilang makauwi si Alagasi sa bansa dahil sa kasong isinampa ng kanyang dating amo.

Facebook Comments