Palawan – Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Navy ang crew ng isang cargo ship na lumalayag sa may bahagi ng Sulu Sea at eastern part ng Puerto Princesa City sa Palawan kahapon.
Sa ulat ng Naval forces West Public affairs office, alas-4:00 ng hapon kahapon nang makatanggap sila ng tawag mula sa kapitan ng MV Evangelia Skipper, na si Captain Ernesto Abuan.
Humihingi ito ng tulong matapos na sumabog ang isang air conditioning unit at nasunog ang mukha ng kanya sa isa sa mga crew na kinilalang si Tambo Santos Jr.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Naval Forces West at nagsagawa ng Medical Air Evacuation gamit ang AW109 Helicopter.
Isinugod agad ang biktima sa Camp General Artemio Ricarte Station Hospital sa Puerto Princesa na ngayon ay patuloy na ginagamot.
Sinabi naman ng pamunuan ng NAVFORWEST na ang hakbang nilang ito ay patunay nagpapatuloy ang kanilang commitment na protektahan ang kaligtasan ng mga seafarers.