NALASON | 20 mag-aaral ng daycare sa Isabela, na-food poison

Angadanan, Isabela – Na-food poison ang nasa 20 estudyante ng San Marcelo Daycare Center sa Angadanan, Isabela.

Sa ulat, nagkaroon ng feeding program sa daycare at matapos nilang kumain ay nakaranas ang mga bata ng pagsakit ng kanilang tiyan, pagdudumi at pagsusuka.

Agad silang isinugod sa Echague District Hospital kung saan sinabi ng mga ito na kanilang kinain ay puto, lugaw na mayroong halong karne at tinimplang inumin.


Nasa maayos nang kalagayan ang mga bata at posibleng makalabas na ng ospital.

Iniimbestigahan na din kung ano sa mga kinain ng mga bata ang sanhi ng pagkalason ng mga ito.

Facebook Comments