NALASON | Mga nasawi dahil sa lambanog, umabot na sa 21

Umaabot na sa 21 katao ang nasawi dahil sa pag-inom ng lambanog.

Sa pinakahuling datos ng Food and Drug Administration (FDA), ngayong taon lamang 21 ang nasawi dahil sa pag-inom ng lambanog bunsod ng mataas na methanol content.

Sa nasabing bilang 16 mula sa 44 na mga biktima ng pagkalason dahil sa pag-inom ng lambanog ang mula sa Barangay Tambo Capas, Tarlac, kung saan 4 sa kanila ang agad na namatay matapos uminom ng lambanog noong November 19.


5 kaso nang pagkalason ang naitala sa Barangay Pooc Santa Rosa, Laguna kung saan 3 sa mga ito ang nasawi noong December 5.

4 na kaso ang naitala sa MHA Site 3, Barangay Sto. Tomas Calauan, Laguna, 3 din ang namatay.

3 kaso sa Sitio Buhanginan Tagbak, Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal at Interior Bala Street, Barangay San Diego, Luisiana, Laguna kung saan nakapagtala ng tig 2 nasawi.

At 10 kaso naman sa Novaliches, Quezon City, 4 ang patay habang 3 ang namatay dahil sa pag-inom ng lambanog sa Barangay Sucol, Calamba City, Laguna.

Ayon sa FDA mataas ang methanol content ng mga Lambanog na mayroong 6.5 percent hanggang 21.8 percent.

Facebook Comments