Nalikhang bakuna laban sa ASF, magiging long term solution sa kakulangan sa supply ng baboy

Inaasahang magiging long term na solusyon na laban sa banta ng African Swine Fever (ASF) ang mga nalikha ngayong bakuna laban dito ayon sa Department of Agriculture.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na mas mapapadali na ang ginagawang repopulation sa mga baboy sakaling maging epektibo ang bakuna.

Nagsimula ang trials noong Abril 23 sa 10 commercial farms kung saan imo-monitor ito sa loob nang 84 na araw.


Kapag naging matagumpay ayon kay Dar, inaasahang bababa na muli ang presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan.

Facebook Comments