Manila Philippines – Tinatayang aabot sa higit 1 milyong pisong ang kabuuang halaga ng mga ari-arian at pera mula sa mga guest ang natanggay makaraang looban ng 4 na armadong lalaki ang Mabuhay Manor Hotel Sa FB Harrison, Pasay City kaninang alas 3 ng madaling araw.
Sa kuha ng CCTV, tinutukan ng baril ng mga suspect ang guwardiya at mga guest sa lobby ng hotel saka nilimas ang 33 thousand petty cash mula sa counter saka kinuha ang gamit ng mga guest kabilang ang isang Rolex na relo, alahas, gadgets at maging ang .38 revolver na gamit ng guardiyang si Jho- an Jabagat.
Matapos ang nagawang krimen, mabilis na sumibat ang mga suspect sakay ng Black Hundai Starex.
Sa kasalukuyan, kinukuhanan na ng salaysay ang guwardiya ng nasabing hotel.
Pinag-aaralan na rin ng Pasay Police ang kuha ng CCTV camera ng hotel.