Parañaque City – Nasa mahigit tatlong milyong pisong halaga ng pera at alahas ang natangay ng isang kasambahay sa Barangay Sun Valley sa Parañaque City.
Ayon sa biktima, bigla siyang kinutuban nang ma-wrong send sa kanya ang 17-anyos niyang kasambahay kung saan may kikitaain siyang isang “Carl”.
Pag-uwi ng bahay, sira na ang pinto ng kanyang kwarto at ang padlock ng kanyang cabinet kung saan nakatago ang kanyang pera at mga alahas.
Paliwanag naman ng suspek, may tumawag sa kanya sa telepono na hindi niya kakilala at sinabing nadisgrasya ang kanyang amo kaya siya nakipagkita sa lalaki at nag-abot ng pera.
Hindi naman ito pinaniwalaan ng biktima lalo’t kabilin-bilinan niya sa kasambahay na ipaalam agad sa kanya sakaling may tumawag sa bahay na hindi niya kilala.
Nai-turn over na sa DSWD ang kasambahay.
Sa kasamaang palad, hindi na nabawi pa ang mga ninakaw na pera at mga alahas ng biktima.