NALOKO | Kris Aquino, nangangayat dahil broken raw

Manila, Philippines – Broken raw ang TV host actress na si Kris Aquino matapos niyang mabistong 16 na buwan na siyang niloloko ng kaniyang kasosyo sa kaniyang 14 na movie snacking outlets at beauty businesses.

Say ni Kris, hindi lang ang pondo ng negosyo niya ang naapektuhan kundi maging ang tax compliance ng kaniyang group of companies.

Nanggaling pa naman raw sa trust fund ng kaniyang mga anak ang milyones na pinuhunan niya rito.


Ipinapaubaya na raw ni Kris ang settlement o legal battle sa kanyang mga abogado.

Kasama pa sa instagram post ni Kris ang mga larawan niya bilang patunay na pumayat siya at kulang sa tulog dahil sa kinakaharap na problema.

Facebook Comments