ARCHIVED CONTENT: This is a static preservation copy of an historical RMN Networks article. Live interactive widgets have been optimized for high-speed offline storage.

NALUNGKOT | Misencounter ng mga pulis at sundalo sa Samar, ikinalungkot ni Pangulong Duterte

Samar – Ikinalulungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyaring misencounter sa pagitan ng mga sundalo at pulis sa Samar na nagresulta ng kamatayan ng anim na pulis.

Ayon kay Duterte, walang sinuman na gustong mangyari ang mapait na insidente.

Aniya, hindi sinasadya na mapatay ang mga pulis.

Plano ng Pangulo na bisitahin ang burol ng mga napaslang na pulis kasama ang army para magpakita ng simpatya at suporta.

Nabatid na iniimbestigahan na ang nangyaring misencounter.

Facebook Comments