Roxas City – Patay ang dalawang taong gulang na bata matapos malunod sa bath tub na may tubig sa Barangay Carataya, Maayon, Roxas City.
Ayon kay Ernesto, ama ng biktima na si alyas Nene, bigla na lamang nawala sa paningin ng ina ang anak dahil abala ito sa paglilinis sa loob ng kanilang bahay.
Laking gulat na lamang nito nang makitang lumulutang na ang kaniyang anak sa loob ng bath tub na puno ng tubig at wala nang buhay.
Dinala pa sa Bailan District Hospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.
Facebook Comments