Naga City – Wala ng buhay ng matagpuan ang isang siyam na taong gulang na batang babae matapos itong malunod sa ilog sa Barangay Mabolo, Naga City.
Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Rebecca Diaz sa Barangay Malbong, Gainza, Camarines Sur.
Nabatid na niyaya ang biktima ng dalawang kaibigan nito pero dahil sa hindi marunong lumangoy ay natangay ito ng malakas na agos ng tubig.
Muli naman nagbabala ang mga opisyal ng Barangay Mabolo sa mga magulang na samahan at bantayan maigi ang mga bata kapag nais maligo sa Naga River.
Facebook Comments