NALUNOD | Dalawang bata, patay matapos malunod sa Pantal River sa Dagupan City

Pangasinan – Patay ang dalawang bata matapos malunod sa Pantal River sa lungsod ng Dagupan.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ramil Decena, 11-anyos, at Lance Dela Cruz, 9-anyos.

Sa imbestigasyon, nagkayayaang maligo sa Pantal River ang dalawa kasabay ng malakas na pag-ulan.


Posibleng hindi marunong lumangoy ang dalawa kaya at natangay ng malakas na agos ng ilog na dahilan ng kanilang pagkalunod.

Facebook Comments