NALUNOD | Dalawang miyembro ng pamilya, patay matapos malunod sa Negros Occidental

Negros Occidental – Todo paghihinagpis ngayon ang ilang miyembro ng magkakamag-anak matapos malunod ang dalawa sa kanilang pamilya sa Silay City, Negros Occidental.

Nakilala ang mga nasawi na sina Georgina Pesante at Reynaldo Oredina.

Sa ulat, kasalukuyang nagsasaya ang magkakamag-anak sa kanilang summer outing nang tangayin ng malakas na alon si Georgina kung saan sinubukan siyang sagipin ni Reynaldo pero maging ito at inanod din.


Naisugod pa sa ospital ang dalawang biktima pero kapwa idineklarang dead-on-arrival.

Facebook Comments