NALUNOD? | Isang bangkay ng lalaki, natagpuang palutang-lutang sa Ilog Pasig

Manila, Philippines – Natagpuang palutang-lutang sa Ilog Pasig ang bangkay ng isang lalaki sa bahagi ng Delpan sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang lalaki na si Joselito Gabasco, 44 anyos, residente ng Barangay 402, Sampaloc, Maynila.

Isang concerned citizen ang nakakita sa bangkay ng lalaki kaya at agad niya itong ipinagbigay-alam sa barangay na siyang tumawag sa pulis at sa coastguard.


Walang nakitang sugat o injury sa katawan ng lalaki kung saan dinala sa Archangel funeral parlor ang bangkay.

Nakilala lamang ang lalaki nang dumulog sa pulisya ang anak nito kaya at patuloy pa ang imbestigasyon kung paano ito namatay.

Facebook Comments