Manila, Philippines – Patay ang isang taong grasa matapos malunod sa Manila Bay sa Tondo, Maynila.
Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na tinatayang nasa edad 25 hanggang 30 taong gulang.
Ayon sa Manila Police District Homicide Section, nakita na lang ang palutang-lutang na katawan ng biktima sa scarborough area sa Barangay 101.
Kwento ng mga residente, huli nilang nakitang buhay ang biktima na lumalangoy sa dagat hanggang sa lumubog ito at tuluyang mawala.
Facebook Comments