NALUNOD | Tatlong bata, patay matapos malunod sa isang beach sa Dipolog City

Dipolog City – Patay ang tatlong bata matapos malunod habang naliligo sa isang beach sa Barangay Galas sa Dipolog City.

Kabilang sa mga biktima ay ang magkapatid na sina Leslie Mayuela at Janiel Mayuela habang ang isa ay nakilala naman na si Christian Sumiton.

Nabatid na kasama ng mga bata ang kanilang pamilya na naligo sa dagat dahil sa kaarawan ng isang miyembro ng kanilang kamag-anak.


Posibleng hindi napansin ang tatlong biktima sa kalagitnan ng kanilang kasiyahan kung saan nakarating mga ito sa malalim na parte ng dagat hanggang sa tuluyan na silang nalunod.

Itinakbo pa sa ospital ang mga biktima pero dalawa sa kanila ang dead on arrival at ang isa ay binawian ng buhay habang ginagamot.

Facebook Comments