NAM-BULLY NA MENOR | Lolo, pinagtataga – patay

General Santos City – Binawian ng buhay ang isang caretaker matapos tinaga ng isang menor de edad dahil sa pambu-bully nito sa kanya.

Kinilala ni Police Senior Inspector Reynaldo Rojo, Deputy Station Commander ng Police Station 8 ang biktima na si Loloy Ramos, 60 yrs old, stay-in sa mango plantation sa Barangay Batomelong General Santos City.

Kinilala naman ang suspek na si alias Jerevy, 16 years old at residente ng nasabing barangay.


Sa initial investigation ng Police Station 8, pinaniniwalaang posibleng hindi na nito nakayanan ang pambu-bully ng biktima sa kanya kaya nito pinasok sa tinutulugan ang caretaker at tinaga ng ilang beses hanggang sa mamatay.

Agad namang tumakas ang suspek pagkatapos ng ginawang krimen.
Sa ngayon nagpapatuloy pa nag imbistigasyon sa nasabing kaso.

Facebook Comments