NAMAALAM NA | Bernardo Bernardo, pumanaw na

Manila, Philippines – Pumanaw na ang batikang film at theater actor na si Bernardo Bernardo.

Kinumpirma ito ng pamangkin niyang si Susan Vecina Santos gamit ang mismong Facebook ng account ng aktor.

Nito lang January 28 nang magdiwang ng kanyang 73rd birthday si Bernardo kasabay ang hiling sa kanyang mga kaibigan na ipagdasal siya matapos na ma-diagnose na may tumor sa kanyang pancreas.


Kaugnay nito, nagsagawa pa ng benefit show nitong Enero at Pebrero ang kanyang mga kaibigan sa showbiz para makatulong sa kanyang pagpapagamot.

Huling napanood ang aktor sa 2017 MMFF Movie Entry na “Ang Larawan”.

Minsan din siyang itinanghal bilang best actor sa Gawad Urian sa pag-ganap niya sa 80’s film na “City After Dark”.
Sa telebisyon naman, tumatak ang role ni Bernardo bilang Steve Carpio sa sitcom na “Home Along Da Riles” na pinagbibidahan ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Facebook Comments