NAMAALAM NA | Radio broadcaster na pinagbabaril sa Dumaguete City, pumanaw na

Dumaguete City – Pumanaw na ang radio broadcaster na pinagbabaril ng rinding in tandem sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Dakong alas 2:00 kahapon ng hapon nang bawian ng buhay si Edmund Sestoso ng DYGB 91.7 FM bunsod ng mga tama ng bala ng baril sa dibdib, braso at hita.

Si Sestoso ay anchor ng daily block time program na “Tug-anan” sa DYGB 91.7 FM.


Bagaman nakatanggap ng mga banta sa buhay, inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang motibo sa pamamaslang.

Bumuo na ng special investigation task group ang pulisya na tututok sa kaso ng pagpatay kay Sestoso.

Samantala, kinondena naman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagpatay kay Sestoso na dating Pangulo ng NUJP-Dumaguete City Chapter, Negros Oriental.

Facebook Comments