NAMALIKMATA? | Kambal sa kambal-kasalan sa China, trending

China – Nagulat at napakamot sa ulo ang mga bisita sa dinaluhan nilang double wedding sa Daqing, Heilongjiang Province sa China.

Sa isang pambihirang pagkakataon kasi, nasaksihan nila ang pag-isang dibdib ng identical twin brothers sa identical twin sisters!

Sa una, inakala raw ng mga bisita na namamalikmata o naduduling lang sila.


Bukod kasi sa magkamukhang-magkamukha ang dalawang groom at gayundin ang mga bride, parehong-pareho rin ang mga suot nilang damit pangkasal.

Kinilala ang identical twin brothers na sina Zheng Dashuang at Zheng Xiaoshuang habang ang indentical twin sisters ay sina Liang Jing at Liang Qing.

Sampung taon na raw ang nakakalipas nang maging magkaibigan ang pamilya Zheng at Liang at doon na nila pinagplanuhan ang arranged marriage.

Ang hiling na lang daw ng kanilang mga kaanak, hindi sila magkapalit-palit ng partner sa kanilang honeymoon!

Facebook Comments