Namamatay dahil sa dengue halos 300 na – NDRRMC

Umakyat na sa dalawang daan at walumput isang indibidwal ang namamatay dahil sa nararanasang dengue outbreak sa ilang lugar sa bansa.

Batay ito sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Sa kanilang datos umaabot sa 59, 993 dengue cases ang naitala sa buong bansa.


Pinakamaraming kaso ng dengue ay sa Region 6 na umaabot sa 23, 216 kung saan may naitalang namatay na umabot sa 111.

Pumapangawala sa may pinakamaraming kaso ng dengue ay sa Calabarzon na mayroong 13,032.

Samantala, walong bayan sa bansa ang nagdeklara na nang nasa state of calamity dahil sa dengue outbreak.

Ito ay Rizal, Sofronio Espanola sa Palawan, Ponteverda at Presidente Roxas sa Capiz,  Maasin Iloilo, Culasi at Sebaste sa Antique at Tantangan South Cotabato.

Nakatutok naman ang Department of Health (DOH) sa pagbigigay ng ayuda sa mga lugar na nag nagdeklara na ng dengue outbreak.

Facebook Comments