Umabot na sa 314 ang namamatay dahil sa dengue.
Batay ito sa pinakabagong monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sa kanilang datos, naitala ang mga bagong bilang ng namatay dahil sa dengue sa rehiyon ng CALABARZON, Region 7 at Region 12.
Lumalabas din sa datos ng NDRRMC, pinakaraming namatay dahil sa dengue ay sa Region 6 na mayroong 111 indibidwal.
Sinusundan ito ng Region 7 na may 62 katao ang namatay at CALABARZON region na may 54 na patay.
Pinakahuling lugar naman na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa dengue outbreak ay ang Cavite na sakop ng CALABARZON Region.
Nagtutulungan naman ang NDRRMC at DOH para mapigilan ang pagkalat ng sakit na dengue.
Panawagan ng dalawang ahensya, maging malinis sa kapaligiran at makiisa sa misting operation o pagpuksa sa mga lamok na may dalang dengue.