Namamatay dahil sa tuberculosis sa buong mundo sa loob ng tatlong taon, tumaas! – WHO

Tumaas ang bilang ng mga namamatay dahil sa tuberculosis sa buong mundo sa loob ng tatlong taon.

Ayon sa World Health Organization (WHO), nahirapan kasi mapigilan ang pagtaas ng mga tinatamaan ng TB kabilang na rin ang acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Partikular ang mga bansang India, Indonesia, Pilipinas at Pakistan ang nakitaan ng pagtaas ng bilang ng mga nasasawi dahil sa TB.


Kaya naman, hinimok ng WHO ang mga naturang bansa na gumawa na ng mga hakbang laban sa tuberculosis.

Batay sa inilabas na ulat ng WHO, noong 2019 ay pumalo sa 1.4 milyong ang namatay dahil sa TB, habang noong 2020 ay pumalo ito sa 1.5 milyon at noong nakaraang taon ay sumampa na ito sa 1.6 milyon.

Facebook Comments