Namamatay sa giyera sa Marawi City, umakyat na sa 429 katao

328

Marawi City – Umakyat na sa apat na raan at dalawamput siyam (429) ang napatay sa nagpapatuloy na gyera sa Marawi City.

Batay sa huling datos na inilabas ng AFP, sinabi ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na sa bilang na ito 44 na sibilyan na ang naitalang patay.

Tatlong daan at tatlo (303) naman ang nasasawi sa panig ng Maute Terror Group.


Habang sa panig ng tropa ng pamahalaan umabot na sa 82 ang killed in action.

382 naman ng mga armas ang narekober ng militar mula sa mga terorista.

Sa ngayon, sa kabila na nagpapatuloy pa rin ang gulo sa Marawi City ay naninindigan ang AFP sa No Negotiation Policy sa mga kalaban ng pamahalaan.



Facebook Comments