Hindi pa rin umaalis sa Julian Felipe Reef na sakop ng West Philippine Sea ang nasa 183 Chinese Militia vessels.
Batay sa pinakahuling Maritime Patrol (MARPAT) na isinagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nakitang nananatili pa rin sa nasabing lugar ang Chinese vessels na unang namataan noong Marso 7, 2021.
Kasabay nito, tiniyak ni AFP Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana na tinututulan nila ang anumang klase ng panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Pero ipinaliwanag din na kinukunsidera ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang iba pang dahilan ng pag-angkla sa teritoryo ng bansa ng mga Chinese vessel.
Sa ngayon, nagsagawa na ang AFP at NTF-WPS ng pagpupulong upang pag-aralan ang ‘best action’ kaugnay ng nasabing insidente.
Matatandaang itinanggi ng China na ang mga vessel ay pinamamahalaan ng Chinese Maritime Militia at iginiit na sumisilong lamang ang mga ito sa teritoryong sakop ng Nansha Islands ng China o Spratlys sa South China Sea.