Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatiling normal ang sitwasyon ng bansa at walang anumang banta sa seguridad.
Ito’y kasunod ng mga namamataang flyby ng mga air asset ng militar sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila partikular na sa bahagi ng Quezon City kahapon.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Medel Aguilar, ang mga namamataang flyby ay bahagi ng ginagawang rehersal ng militar para sa ika-87 anibersaryo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Sa Lunes, Disyembre a-19, isasagawa ang pagdiriwang sa punong tanggapan ng AFP sa Kampo Aguinaldo kung saan inaasahang dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ibibida ng AFP ang mga modernong kagamitan nito na nakamit sa ilalim ng nagpapatuloy na modernization program.
Facebook Comments