Namataang LPA, magdudulot ng pag-ulan sa Visayas

Manila, Philippines – Patuloy na magdadala ng pag-ulan ang isang Low Pressure Area (LPA) malapit sa Palawan.

Asahan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa nasabing lalawigan at iba pang bahagi ng Visayas.

Sa Northern Luzon, magiging maaliwalas ang panahon sa Ilocos region maging sa Cagayan Valley at Batanes Group of Islands.


Good weather din sa Mindanao lalo na sa Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN at ARMM.

Sa Metro Manila, magdanda pa rin ang panahon maliban na lamang sa isolated thunderstorms sa hapon o gabi.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 32 degrees celsius.

Sunrise: 5:56 ng umaga
Sunset: 5:24 ng hapon

Facebook Comments