Namataang LPA sa bansa, isa nang ganap na bagyo – signal number 1 , nakataas sa mga probinsya sa Luzon at Visayas

Manila, Philippines – Isa nang ganap na bagyo ang low pressure area sa bansa at pinangalanan na ito na salome.

Huling namataan si salome 50 kilometers timog timog-kanluran ng Juban, Sorsogon, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Bahagya kumikilos ito sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.


Nakataas ngayon ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:

Sa luzon
Metro Manila
Rizal
Bataan
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Romblon
Marinduque
Quezon
Laguna
Cavite
Batangas
Oriental Mindoro Occidental Mindoro
Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands

Sa visayas
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Leyte kasama ang Biliran

Dahil sa bagyo, nakalagay ngayon ang yellow rainfall warning sa Sorsogon at Northern Samar.

Samantala, kanselado na ngayon ang apat ng biyahe ng PAL Express Manila papuntang Masbate at pabalik at Manila papuntang Legazpi at pabalik.

Kanselado na rin ang biyahe ng barko sa Batangas port.

Si Salome ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa araw ng Sabado.

Facebook Comments