NAMATAY DAHIL SA RABIES SA PANGASINAN, UMABOT NA NG SIYAM

Kinumpirma sa IFM Dagupan ng Provincial Health Office na tumaas ang kaso ng Rabies sa buong lalawigan ng Pangasinan ngayong taon.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan Kay Provincial Health Officer Dr Anna De Guzman, nasa siyam na ngayong taon ang kumpirmadong kaso ng Rabies sa lalawigan na mas mataas kesa sa anim noong nakalipas na taon.
Tatlo sa siyam na kaso ng Rabies ay pawang mga alagang hayop ng mga biktima ang nakakagat sa mga ito at lahat ay pawang kalalakihan.

Kasabay nito ay ang pagpapaalala na pabakunahan ang mga alagang hayop at kung nakagat man ay magtungo sa mga pagamutan at huwag sa mga tradisyunal na paggamot sa kagat ng hayop. |ifmnews
Facebook Comments