Namatay matapos ang 6.1 na lindol kahapon sumampa na sa 16  ayon sa NDRRMC

Sumampa na 16 na katao ang naitatalang namatay matapos na makaranas ng 6.1 magnitude na lindol ang ilang lugar sa Central Luzon.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

81 naman ang naitalang sugatan at 14 pa ang nawawala.


Lima sa mga namatay ay  mula sa nagcollapse na Chuzon Supermarket sa Porac Pampanga, pito sa ibat ibat brgy sa Porac, dalawa sa Lubao, isa sa Angeles, at isa sa San Marcelino sa Pampanga.

Aabot naman sa 29 na mga structures at gusali ang napinsala ng pagyanig kahapon sa region 3 at metro manila.

Facebook Comments