Namatay na law student, bumigay ang puso – MPD Crime Lab

Manila, Philippines – Sobrang paghihirap pasa sa katawan,patak ng kandila sa braso at bumigay ang puso ang dahilan ng kamatayan ni Horacio Tomas Castillo III, 22-anyos, first year Law student Law sa UST na biktima umano ng hazing.

Ito ang isinalarawan ni Dra. Milagros Probador ng MPD Crime Lab na nagsagawa ng otopsiya sa bangkay ni Castillo.

Hindi naman matanggap ni Jun Castillo Jr. ama ng biktima, ang ginawang paghihirap ng mga kasapi ng Aegis Juris Fraternity na siyang nagpahirap umano sa Law student.


Paliwanag naman ni Minnie Castillo ina ni Horacio Tomas hindi nito lubos maisip na kayang gawin ng isang matinong pag-iisip ang ginawang paghirap sa kanilang anak na nasawi pero naidala pa sa Chinese General Hospital.

Hinihingi ngayon ng pamilya na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak na panibagong biktima na naman ng hazing.

Ayon sa pamilya, kwento sa kanila ng nurse na isang Chinese National ang nagmagandang-loob na dalhin sa ospital ang biktima, matapos itong makita sa bangketa sa bahagi ng Balut, Tondo.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng UST kaugnay sa sinapit ng kanilang estudyante.

Facebook Comments