Namatay na PNP personnel dahil sa COVID-19, nadagdagan

Isa na namang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi matapos maging infected ng COVID-19.

Batay sa ulat na ipinadala ni Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, ang nasawi ay isang non-police commissioned officer na nakatalaga sa Carmen Municipal Police Station sa Police Regional Office 11 (PRO-11).

Siya ay namatay nitong January 25, 2021 dahil sa COVID-19 at kidney failure.


Dahil dito, umabot na sa 29 ang nasawing pulis dahil sa COVID-19 sa buong bansa.

Nadagdagan naman ng 33 pulis ang nagpositibo sa COVID-19 kahapon kaya umabot na sa 10,219 na ang COVID cases sa buong PNP.

Sa bilang na ito, 614 ang active cases, habang may 34 na bagong gumaling na pulis kahapon sa COVID kaya 9,576 na ang recoveries sa PNP.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang COVID swab testing ng PNP sa kanilang mga tauhan upang matukoy ang mga positibo sa virus at nang sa ganoon agad ma-quarantine at magamot kung may sintomas.

Facebook Comments