Namatay na PNP personnel dahil sa COVID-19, umabot na sa 99

Nadagdagan pa ng isa ang nasawi sa COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Dahil dito, umabot na sa 99 ang kanilang death toll sa COVID-19.

Matatandaang sa loob lang ng dalawang linggo, halos araw-araw nang nakakapagtala ng nasasawi sa virus ang PNP.


Lumalabas din sa datos na 90 percent sa mga namatay ay hindi pa mga bakunado.

Kaya naman, patuloy na hinihikayat ng PNP ang kanilang mga tauhan na magpabakuna para magkaroon ng dagdag na proteksyon.

Samantala, may bagong 123 na COVID cases sa PNP habang 179 naman ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, umabot na sa 1, 757 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP.

Facebook Comments