Calabarzon – Pumalo na sa 54 ang bilang ng mga bilanggo sa Calabarzon region ang namatay dahil sa sakit ngayong taon.
Sa kabuuang bilang, 39 ay mula sa Cavite, pito sa Laguna, lima sa Rizal at tatlo sa batangas.
Ayon kay Supt. Chitdel Gaoiran, spokesperson ng police regional office 4-A – masikip at siksikang selda ang dahilan ng pagkamatay ng mga bilanggo.
Nabatid kasi na 3, 455 na mga bilanggo lang ang kasya sa 283 na mga kulungan sa buong Calabarzon pero nito lang mayo, umabot na sa higit limang libo ang nakakulong dahil sa mga drug-related cases.
Samantala, 940 na mga bilanggo sa buong Calabarzon ang napag-alamang may tuberculosis at skin diseases.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments