Namatay na Pulis sa War on Drugs, Apatnaput Walo Na!

Cauayan City, Isabela – Umabot na sa apatnaput walong pulis ang nasawi dahil sa kampanya ng kapulisan na war on drugs sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa ginanap na press conference kaugnay sa pagbisita niya sa labi ni Police Chief Inspector Michael Angelo TubaƱa, ang hepe ng PNP Mallig na nasa Saint Peter Chapel sa Gamu, Isabela.

Aniya, ito ang nagpapatunay na marami nang pulis ang namatay dahil sa operasyon ng war on drugs.


Marami na umano ang nalagas dahil sa droga at pinakahuli na dito si TubaƱa samantalang umaabot narin sa 122 ang nasugatan na pulis.

Paliwanag pa ni Police Director General Albayalde na hindi biro ang kampanyang war on drugs dahil kung gawa-gawa umano ay maaring daplis o walang namatay sa panig ng pulis.

Samantala, nalungkot ang heneral sa pagpaslang kay TubaƱa dahil sa napakabata na sana ay malayo pa ang mararating o maaring maging heneral sa mga darating na araw.

Facebook Comments