Umabot na sa 28 indibidwal ang naitatalang namatay matapos maranasan ang magkakasunod na lindol sa Mindanao nitong October 16, 29 at October 31.
Batay ito sa huling update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
417 naman ang naitalang sugatan at mahigit 250,000 indibidwal na ang apektado.
Kaugnay nito, itinigil na ang search and rescue operations sa mga lugar na apektado ng lindol kahit may dalawa pang missing sa Makilala North Cotabato at nakatuon na ngayon ang NDRRMC at iba pang ahensya ng gobyerno sa relief at rehabilitation.
Nagrekomenda naman si NDRRMC executive Director Ricardo Jalad kay Pangulong Rodrigo Duterte na patayuan ng relokasyon ang mga residenteng nakatira sa no build zones.
Facebook Comments